Ang pangalan ko po ay Daisuke Yamauchi. Matatagpuan po ang aking opisina(YAMAUCHI Immigration Law Office)sa Hamamatsu City, Shizuoka Prefecture Japan. Dalubhasa sa Batas ng Imigrasyon at pang-internasyonal na gawain.
Tulungan ang isang dayuhang residente na nangangailangan
Sa kasalukuyan ang kadalasang batas at ang mga ligal na dokumento ay nakasulat sa wikang nihonggo at di lahat ay nakakaintindi ng wikang Ingles, Kaya po ang mga ilan sa mga dayuhan ay nahihirapan makaintindi ng mga salitang hapon o nihonggo.
Ang mga dayuhan sa Japan ay hindi pinapayagan na manatili ng walang pang residenteng visa at ang hindi pagsunod sa batas ng imigrasyon ay nagdudulot ng pagbawi ng katayuan ng residente o ang sapilitang pagbalik sa bansang pinanggalingan sa matinding kaso.
Kami ay mga ligal na dalubhasa (Gyousei-shoshi) ,
- Nagbibigay ng maayos na kontribusyon sa pagpapatupad ng pamamaraang administratibo pati narin sa pagbibigay ng kaginhawahan sa publiko.
- Sa pagpoprotekta ng karapatan ng mga dayuhang residente sa pagmumungkahi o pagaayos sa pagaangkop na katayuan ng residente.
Gawin ang JAPAN na pinakamagandang bansa na mamuhay
Ako po ay nanirahan sa Amerika nung ako ay kolehiyo. Masayang manirahan sa ibang bansa pero hindi ganun kadali tulad ng aking inaasahan dahil sa pagkakaiba ng kultura at wika.Naaalala ko pa po ang mga taong nakasama ko sa Amerika na tumulong sa akin nung akoy may problema.
Tulad ko na sinuportahan ng maraming tao at napagtagumpayan ang mga hirap nung nasa ibang bansa. Ako ay nagpasya na italaga ang aking sarili na maging isang ligal na espesyalista (Gyousei-shoshi) para makatulong sa mga dayuhan na naninirahan sa Japan.
YAMAUCHI Immigration Law Office ay nagbibigay ng konsulta sa wikang Ingles at Tagalog sa mga hindi masyadong makaintindi sa wikang nihongo. Hayaan nyo po kaming tumulong sa inyo na makakuha ng Visa at makamit ang isang pagtupad ng buhay sa Japan para sa iyo at sa iyong pamilya.
Ako po ay umaasa na kayoy matulungan.
Ang mga Serbisyo
Pananatili sa Japan ng walang limitasyon
Klase ng katayuan ng residente (Visa): Permanenteng residenteMaging Japanese Citizen
Pagapply para sa naturalisasyonPagsimula ng Negosyo sa Japan
Klase ng katayuan ng residente (Visa): Tagapamahala ng NegosyoTrabaho sa Japan
Klase ng katayuan ng residente (Visa):Inhinyeriya/Dalubhasa sa humanidad/Internasyonal na mga serbisyo, Paglipat Intrakumpanya, Bihasang manggagawa, Panteknikal interno na nagsasanay at mga lubos na bihasa sa propesyonal na kasanayanPaglakbay sa Japan o pagbisita sa kapamilya o kaibigan sa Japan
Klase ng katayuan ng residente (Visa): Pansamantalang bisitaMamuhay sa Japan kasama ang pamilya
Klase ng katayuan ng residente (Visa): Sustentado, Tinalagang aktibidadPagpapakasal o paghihiwalay sa Japan
Klase ng katayuan ng residente (Visa): Kasal o anak ng hapon, pangmatagalang residentePamana sa Japan
Mga Presyo
Bayad sa konsulta
5,000(Yen)/30 min.
※libre ang pagtatanong sa mail at tawag
Pinakamababang presyo
Mga Nilalaman | Yen |
---|---|
Naturalisasyon | 220,000~ |
Sertipiko ng pagiging karapat-dapat | 110,000~ |
Sertipiko ng pagiging karapat-dapat(tagapamahala ng negosyo) | 165,000~ |
Pagbabago ng katayuan ng paninirahan | 110,000~ |
Pagbabago ng katayuan ng paninirahan(tagapamahala ng negosyo) | 165,000~ |
Pahabain ang tagal ng pananatili | 55,000~ |
Permanenteng Visa | 165,000~ |
Pagkuha ng katayuan ng paninirahan | 55,000~ |
Pahintulot para muling makapasok sa bansa | 11,000~ |
Pahintulot upang makasali sa aktibidad maliban sa ilalim ng pinapayagang katayuan ng paninirahan | 11,000~ |
Pag papatunay ng pagiging kadapat-dapat sa trabaho | 66,000~ |
Sertipikasyon ng apostille | 33,000~ |
1) Selyo ng kinitang gastos ay hindi kasali sa mababang singil
2) Maaaring magdagdag ng bayad sa paghatid ng liham sa kinatawan ng ibang bansa o interpretasyon at pagsasalin sa ibang wika o sa mga hindi pangkaraniwang kaso
3) Ang hindi nabanggit sa taas, ay gagawan ng bukod na halaga ayon sa inyong kahilingan Huwag magalinlangan na makipagugnayan sa amin
Para sa mga gustong magsimula ng negosyo sa Japan, kami ay makaka suporta sa mga sumusunod na karagdagan sa inyong aplikasyon ng Visa
- Pagtatatag ng kumpanya at pagpaparehistro
- Pagkuha ng lisensya sa Negosyo (ayon sa klase ng Negosyo)
- Pagkuha ng kapital (utang sa mga bangko,tulong na salapi)